Higit 300 foreigners, inaresto sa Tarlac dahil sa pagtatrabaho nang walang visa
Arestado ang higit 300 foreigners na nagtatrabaho sa bansa ng walang visa.
Sa pahayag ng Bureau of Immigration and Deportation BID), 323 Chinese nationals, 8 Malaysians, at isang Indonesian ang hinuli ng kanilang mga tauhan, sa isang work site sa Pag-asa Street, Barangay Dela Cruz, Bamban sa Tarlac.
Ang operasyon sa naturang compound na under construction pa, ay ginawa sa tulong ng isang tip mula sa isang concerned citizen.
Sinabi ni Immigration chief Jaime Morente, sinasabing may kaugnayan sa online gambling, internet fraud, at cybercrime operations ang trabaho ng mga ito.
Ayon pa sa BID, ang 332 ay nasa ilalim na ng pag-iingat ng National Bureau of Investigation (NBI), habang hinihintay ang paghahain ng angkop na reklamolaban s akanila.
Ang naturang mga dayuhan, ay nahaharap din sa deportation.
Liza Flores