Higit 37,000 manok sa Peru, pinatay nang magkaroon ng bird flu outbreak
Pinatay ng Peruvian authorities ang hindi bababa sa 37,000 manok sa isang chicken farm dahil sa bird flu.
Ayon sa national agricultural health agency na SENASA, Matapos maapektuhan ang wildlife sa ilang lugar sa Peru, umabot ang outbreak sa isang farm sa Huacho, hilaga ng Lima.
Sinabi ni Jorge Mantilla, head ng SENASA disease control, “They have all been slaughtered; this infectious focus has already ended on a small farm in Huacho (north of Lima), with a population of approximately 37,000 birds.”
Ang pagpatay sa mga infected na manok ay bahagi ng protocol upang makontrol ang avian flu outbreaks.
Ayon sa beterinaryong si Mantilla, “The aim is to prevent the disease, which is highly lethal in birds, from spreading to other locations.”
Nasa 14,000 seabirds, karamihan ay pelicans, ang namatay dahil sa bird flu sa Peru nitong nakalipas na mga linggo.
Bukod sa pagpatay sa mga manok sa Huacho, may nangyari ring paglipol sa siyudad ng Lambayeque, sa hilagang Peru, kung saan nasa 700 mga manok naman ang pinatay upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Noong Miyerkoles, ay nagdeklara ang Peru ng 90-araw na national health emergency makaraang makumpirma ang mga kaso ng H5N1 avian influenza sa isang farm-raised poultry.
Ayon sa SENASA, ang sakit ay nailipat mula sa wild birds na nagmula sa North America at umabot sa Patagonia.
Sinabi ng Peruvian authorities, na ang unang outbreak ng avian influenza sa Americas ay nangyari sa Canada noong isang taon, at nitong Enero 2022 ang virus ay na-detect sa Estados Unidos, na nakaapekto sa poultry production.
Ang avian flu ay isang sakit na walang gamot at nagdudulot ng maraming pagkamatay sa wild at domestic birds gaya ng pato, manok at pabo.
© Agence France-Presse