Higit 375,000 doses ng Pfizer Covid-19 vaccines, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang nasa 375,570 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Ang mga bakuna ay bahagi ng 40 million Pfizer vaccine na binili ng gobyerno.
Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Terminal 3 kagabi.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taino, na prayoridad na mabigyan ng bakuna ang Cebu, Davao at iba pang lalawigan.
Nauna nang dumating noong July 21 ang unang shipment ng Pfizer vaccine na nasa 562,770 doses.
Kagabi ng alas-6:23 ay dumating na sa Cebu-Mactan International Airport in Lapu-Lapu City, Cebu ang bahagi ng rehiyon sa Pfizer vaccine lulan ng Air Hongkong plane.
Habang ngayong araw ay inaasahang darating sa Davao Region ang kanilang bahagi sa bakuna.