Higit 7,000 overseas Filipino, inaasahang makababalik ng bansa ngayong Agosto
Kabuuang nasa 7,060 Pinoy sa ibang bansa na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic ang makakauwi ng Pilipinas ngayong buwan sa tulong ng repatriation program ng pamahalaan.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola sa Laging Handa briefing.
Hanggang nitong August 7, umaabot na sa 408,911 Pinoy ang nakauwi na ng bansa simula nang mag-umpisa ang Pandemya ng Covid-19 noong nakalipas na taon.
Kabilang dito ang nasa 303,304 land-based at 105,607 sea-based overseas Filipinos na ang ilan ay nag-expire na ang mga kontrata at visa habang ang iba ay may medical condition.
Please follow and like us: