Higit 80,000 indibidwal sa CALABARZON, fully vaccinated na laban sa COVID-19
Umaabot na sa mahigit 80,000 katao ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 80,087 ang nakakumpleto na ng anti- COVID vaccines sa rehiyon.
Mahigit 29,000 sa fully vaccinated ay mga healthcare workers na kabilang sa A1 priority list.
Nasa 22,800 naman sa mga ito ay senior citizens o A2 habang lagpas 27,500 ay person with comorbidities o A3.
Samantala, lagpas 343,000 katao ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna sa Region IV-A.
Sa ngayon, ang mga brand ng bakuna na natatanggap ng CALABARZON mula sa national government ay ang CoronaVac at AstraZeneca.
Sa pinakahuling tala, nasa 827,000 ang alokasyon ng COVID vaccines sa rehiyon.
Moira Encina