Higit dalawang pisong rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo
Nakatakdang magpatupad ng isang big-time oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.
Bunsod ito ng pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdgang merkado sa loob ng anim na sunod-sunod nang linggo.
Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell na babawasan nila ng P2.40 ang kada litro ng gasolina, habang P2.65 naman sa kada litro ng diesel.
bBwasan din ng Caltex, Seaoil, at Shell ng P2.70 ang bawat litro ng kanilang kerosene.
Ayon sa Industry experts, ang global prices ng krudo ay bumaba sa loob ng anim na sunod-sunod na linggo na, ang pinakamahaba sa loob ng tatlong taon.
Sa pagitan ng trading days ng November 22 at 26, ang halaga ng Dubai crude ay bumaba ng $2.30 kada bariles, habang ang Mean of Platts Singapore gasoline at diesel ay bumaba naman ng $5.30 at $2.90 bawat bariles.
Bukod sa napipintong pagbaba ng demand dahil sa Omicron variant, una nang inanunsiyo ng US government na magpapalabas sila ng 50 million barrels mula sa Strategic Petroleum Reserve sa mga darating na buwan.