Higit isang milyong Pinoy na hindi na bumalik para sa kanilang second dose ng anti-Covid vaccine, pinabulaanan
Tinawag na “sapantaha” at “pala-palagay” lamang ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez ang lumabas na datos na nasa higit isang milyong Filipino ang hindi na bumalik para sa kanilang ikalawang dose ng bakuna.
Ayon kay Galvez, lumalabas sa datos ng National Vaccination Operation Center (NVOC) na nasa 9 percent lamang o nasa halos 113,000 Pinoy lamang ang hindi nakakumpleto ng kanilang bakuna.
Hindi aniya verified ang datos na inilabas ng mga Health expert na hindi rin mga miyembro ng NVOC.
Sa kasalukuyan, nasa 2.5 million na ng 5.5 million doses ng Sinovac vaccine ang naipamahagi na sa mga mamamayan katumbas ito ng nasa 1,250,000 indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna.
Ang natitirang doses ay gagamitin ngayong Hunyo.
Habang ang unang batch naman ng 525,000 doses ng Astrazeneca vaccine na dumating sa bansa noong Marso ay nagamit na lahat bilang first dose.