Higit isang milyong pisong halaga ng shabu nasamsam sa Cebu buy-bust

Higit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa Cebu City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), naaresto sa isinagawang operasyon sa General Maxilom Avenue sa barangay Zapatera, ang 34-anyos na si Renevic “Dodong” Jao, na nasa talaan ng drug watchlist ng pulisya bilang isang high-value drug personality.

Sinabi ng pulisya, na nasa kustodiya na ng PNP ang 250 gramo ng nasamsam na shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Aniya . . . “Our police are also doing a follow-up investigation for the possible network of drug transaction.”

Please follow and like us: