Higit kalahating milyong doses ng Astrazeneca vaccine na binili ng private sector, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ngayong araw, Agosto 13, ang 575,800 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng “Go Negosyo Dose of Hope” project.
Ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 lulan ng Chinese airlines Flight CI701 kaninang alas-9:35 ng umaga.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ito ay 50% ng 1.15 milyong bakuna na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng tripartite agreement.
Ang karamihan ng mga bakuna ay mapupunta sa National Capital Region (NCR) at karatig probinsya.
Inaasahang mamayang hapon din darating ang nasa 15,000 doses ng Sputnik vaccine mula Russia.