Higit kalahating milyong katao, na-displace sa Malawi dahil sa Cyclone Freddy
Higit sa kalahating milyong katao ang na-displace sa Malawi nitong nakalipas na linggo, matapos manalasa ng mapaminsalang cyclone Freddy sa bansa.
Ang bagyo ay nagbagsak ng anim na buwang katumbas na dami ng ulan sa timog ng Malawi sa loob lang ng anim na araw, kung saan inanod ng baha at mudslides ang mga bahay, kalsada at tulay.
Lumitaw sa data ng UN agency, na ang bagyo ay nag-iwan ng halos 500 kataong patay sa timog na bahagi ng bansa, habang 150 iba pa ang namatay naman sa mga lugar na dinaanan nito, mula sa pagtatapos ng Pebrero.
Ayon sa International Organization for Migration (IOM) ng UN, “Nearly 508,250 people have been displaced and at least 499 killed by the flooding in Malawi. Heavy rains, strong winds, and floods attributed to the cyclone have had a devastating toll on the people across 14 districts — nearly half the country — with at least 1,300 people injured and 427 missing according to authorities.”
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations, kung saan higit 1,000 katao na ang inilikas, at higit sa 500 emergency shelters ang binuksan.
Sinabi pa ng IOM, “Those affected are in dire need of urgent humanitarian support with the most immediate needs being shelter, food, clean water, sanitation and hygiene, health, and protection.”
Ang bansa ay nakikipaglaban sa pinakamalubhang cholera outbreak na naitala nang manalasa ang bagyo. Ang epidemya ay ikinasawi na ng higit sa 1,700 katao at nangangamba ang mga awtoridad at mga NGO na lalala pa ito.
Ayon sa IOM, “The people of Malawi are facing yet another catastrophic disaster with a potential long-lasting effect. It is important that we urgently reach the affected communities as the needs grow by the hour.”
Ang cyclone Freddy ay unang tumama sa southern Africa sa huling bahagi ng Pebrero, at nanalasa rin sa Madagascar at Mozambique subali’t hindi masyadong nakaapekto sa Malawi.
Pagkatapos ay bumalik ito sa Indian Ocean at nag-ipon ng lakas mula sa mainit na tubig bago bumuwelta at binayo ang mainland sa ikalawang pagkakataon.
Higit sa isang milyon ang naapektuhan sa Madagascar at Mozambique, kung saan higit sa 160,000 katao ang na-displace.
Dagdag pa ng IOM, “Climate change-related extreme weather is increasingly driving displacement around the world, especially in vulnerable countries. Over the past decade, storms, floods, droughts and climate-related disasters have caused an average of 21.6 million internal displacements each year.”
© Agence France-Presse