Higit sampung milyong pisong mga alahas at relo, nabawi makaraang nakawin

Courtesy: QCPD Station 15
Nabawi ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 15, ang sari-saring mga alahas, relo at bag nagkakahalaga ng higit sa sampung milyong piso.

Courtesy: QCPD Station 15
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, mismong ang trabahador ng biktima na isang electrician ang tumangay sa kaniyang mga gamit.
Kasama rin sa nabawi ang baril na pag-aari ng biktima.

Courtesy: QCPD Station 15
Nabatid na may tracking device ang mga ninakaw na gamit kaya agad na natunton ang mga ito sa compartment ng isang sasakyan, na nirentahan ng suspek na nakaparada sa isang lugar sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Courtesy: QCPD Station 15
Hawak na ngayon ng Phil. National Police ang suspek na mahaharap sa reklamong qualified theft.