Hilagang bahagi ng Papua New Guinea tinamaan ng magnitude 6.5 na lindol
Niyanig ng isang 6.5-magnitude na lindol ang hilagang Papua New Guinea, ngayong Martes.
Ayon sa US Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay na-detect sa tinatayang lalim na 12 kilometro o pitong milya kaninang alas-8:46 ng umaga (local time).
Tumama ang lindol may 20 kilometro (12 milya) sa baybayin, isang maiksing distansiya mula sa bayan ng Wewak, kabisera ng estado ng East Sepik Province sa Pacific island.
Sa isang hiwalay na bulletin ay sinabi ng Pacific Tsunami Warning Centre, na wala namang banta ng tsunami.
Sinabi ni Danny Seolo, isang manggagawang stay-in sa Wewak Village Inn Hotel and Apartments, “I think it lasted for almost a minute. Not very violent but kind of like you are on a boat or something — it was swaying. I had not seen any damage.”
Karaniwan ang lindol sa Papua New Guinea, dahil nasa ibabaw ito ng seismic “Ring of Fire.”
Bagama’t bihira iyong magdulot ng malawakang pinsala, nati-trigger naman nito ang mapaminsalang landslides.