“Hindi ako ang nag-Red Tag sa kanila”- Parlade
Binigyang- diin ni Army Lt. Gen. Antonio Parlade na hindi siya ang nag-Red Tag sa organizers ng Community pantry na ngayon ay laganap na.
Sa panayam ng Balitàlakayan , sinabi ng Commanding General ng Southern Command at isa sa spokespersons ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kelan lang niya nalaman ang ukol sa Community pantries at irereserach pa niya ang ukol dito.
Subalit nagpaalala din ito na dapat ay maging maingat dahil posibleng ang ibang mga Community pantry ay sinusuportahan na ng ilang grupo gaya ng KMU at Anak Pawis na kaalyado ng Komunistang grupo.
Mali anyang sabihin na nire- red tag nila ang organizers ng Community pantry at masasabi lamang na sila ay ‘pula’ o makakomunista depende sa kanilang aksyon at background.
Sa panig ng NTF-ELCAC, dagdag ni Parlade, ang ibang Community pantries ay posibleng gumagawa na ng propaganda o namamahagi na ng polyeto kaya dapat na tingnan o siyasatin.
Banggit pa nito na kapag Communist party ang nagpatakbo, marami ang nahihikayat hanggang umakyat sa bundok at mauwi sa armadong pakikibaka.
Julie Fernando