Hindi bababa sa 11 patay sa itinuturing na “heaviest” rain sa Beijing
hindi bababa sa labing-isa katao ang nasawi bunsod ng mga pag-ulan sa Beijing.
Dalawa sa labing-isang nasawi ay namatay habang nagsasagawa ng rescue and relief operation.
Ayon sa state broadcaster ng Beijing, labingtatlo katao ang nawawala pa rin, ngunit may labing-apat naman na natagpuang ligtas.
Sinabi ng Beijing Meteorological Service, na ang ulan na bumagsak sa kabisera ng China nitong nakalipas na mga araw, ay ang pinakamarami mula nang mag-umpisa silang magtala isangdaan at apatnapung taon na ang nakalilipas.
Ayon sa weather service, ang pinakamalaking volume ng pag-ulang naitala na aabot sa 744.8 millimetres, ay nangyari sa Wangjiayuan Reservoir sa Changping, habang ang pinakamalaking volume na naunang naitala ay 609 millimeters noong 1891.
naka-alerto na ngayon ang bansa para sa pagdating ng Typhoon Khanun, ang ika-anim na bagyo ngayong taon, habang papalapit ito sa silangang baybayin ng China. Nagsimula na rin ang massive clean-up operation.