Hindi bababa sa 15 patay sa pananalasa ng mga tornado sa central US
Hindi bababa sa 15 katao ang namatay sa magkabilag panig ng central United States, nang manalasa ang mga tornado at iba pang napakalalakas na mga bagyo sa ilang estado kabilang ang Texas, Arkansas at Oklahoma.
Nagpapatuloy ang rescue efforts habang libu-libong customers ang nawalan ng kuryente, makaraang bayuhin ng mga bagyo ang Southern Plains region simula pa noong Sabado ng gabi.
Sa Texas, sinabi ni Cooke County Sheriff Ray Sappington, na pito ang namatay matapos tumama ng isang tornado sa Valley View area, na nasa hilaga ng Dallas.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations.
Nilagdaan naman ni Governor Gregg Abbott ang isang decree upang makapaglabas ng pondo ang apat na lugar at makapag-deploy ng mga tauhan, para tulungan ang mga tao na ang mga bahay ay napinsala o nawasak.
Sa isang panayam ay sinabi ni Sappington, “The twister destroyed homes and a gas station, and overturned vehicles on an interstate highway, the damage was pretty extensive.”
Residents continue recovery and cleanup efforts with the help of family and friends following Tuesday’s destructive tornado on May 23, 2024 in Greenfield, Iowa. The storm was responsible for several deaths in the small community. Scott Olson/Getty Images/AFP (Photo by SCOTT OLSON / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Sa Oklahoma, sinabi ni Johnny Janzen, head ng emergency management ng Mayes County, na dalawa katao ang namatay nang manalasa ang tornado sa kanilang lugar.
Habang sa Arkansas, ay lima katao ang namatay dahil sa mga bagyong humampas nitong Linggo ng umaga, na nagpatumba sa mga puno at mga linya ng kuryente at nagdulot ng flash floods sa ilang mga lugar.
May naiulat ding isa na namatay sa Louisville, Kentucky, ayon kay Mayor Craig Greenberg.
Sa hilaga naman, sa Indiana, ay ilang oras na ipinagpaliban ang pagsisimula ng Indianapolis 500 nitong Linggo dahil sa nararanasang bagyo sa lugar.
Ayon sa website na Poweroutage.us, “As the storm system moved across the country, nearly 490,000 customers were without power in states stretching from Texas up to Kansas and east to Ohio and Kentucky.”
Samantala, aktibo pa rin ang tornado alerts sa ilan pang mga lugar.