Hindi bababa sa 17 ang nasawi nang madiskaril ang isang tren sa central Iran
Hindi bababa sa 17 katao ang namatay at dose-dosena ang nasugatan nitong Miyerkules, nang madiskaril ang isang tren malapit sa gitnang lungsod ng Tabas sa Iran matapos tumama sa isang excavator.
Ayon kay emergency services spokesman Mojtaba Khaledi . . . “Seventeen people are dead and 37 injured people have been transferred to hospital. The number of the dead may rise as most of the injured are in critical condition, 24 ambulances and three helicopters have been dispatched to the scene.”
Ang Tabas ay nasa South Khorasan province halos 900 kilometro (560 milya) mula sa Tehran.
Sinabi ng deputy head ng state-owned railways ng Iran, na si Mir Hassan Moussavi, na ang tren ay may lulang 348 mga pasahero. Nadiskaril aniya ang tren nang tren nang tumama sa excavator na malapit sa riles.
Ilan sa mga nasaktan ay isinakay sa helicopter at dinala sa pagamutan, habang ininspeksiyon naman ng rescue teams ang bumaligtad na mga bagon ng tren.
Isa sa mga larawan ang nagpapakita sa isang nakabaligtad na dilaw na excavator sa riles.
Sinabi ni Iranian Red Crescent emergency operations head Mehdi Valipour, na lima sa 11 bagon ng tren ang lumabas sa riles sa aksidenteng nangyari alas-5:30 am, oras doon.
Binisita ng Tabas prosecutor ang pinangyarihan ng aksidente, habang isang judicial investigation naman ang inilunsad para alamin ang sanhi nito.
© Agence France-Presse