Hindi bababa sa 22, patay matapos tumaob ang isang bangka sa India
Hindi bababa sa 22 katao ang namatay nang tumaob ang isang double-decker tourist boat sa southern state ng Kerala, sa India.
Nangyari ang insidente sa Tanur, isang coastal town sa Malappuram district ng Kerala.
Dose-dosena katao ang naghanap ng survivors sa loob at paligid ng bangka na bahagyang nakalubog.
Sinabi ng isang police officer mula sa Tanur police station, “We have recovered 22 bodies, including 15 females and seven males. There are around six people in the hospital. Rescue operations are on. There were around 30 people on board.”
Sa ulat ng local publication na Onmanorama, 11 katao mula sa isang pamilya kabilang ang tatlong bata ang namatay sa aksidente.
Ayon sa sports and fisheries minister ng estado na si V. Abdurahiman, na tumutulong sa koordinasyon ng rescue efforts, karamihan sa mga biktima ay mga batang nasa school holidays.
Higit sa 30 katao ang pinaniniwalaang nasa bangka nang mangyari ang insidente.
Sinabi ni Abdurahiman na apat katao na dinala sa ospital ang kritikal ang lagay.
Kuwento naman ng survivors sa local media, karamihan ng mga pasahero ay walang suot na life jackets.
Sa kaniya naman mensahe sa social media, sinabi ni Prime Minister Narendra Modi, “Pained by the loss of lives due to the boat mishap in Malappuram, Kerala. Condolences to the bereaved families. Next of kin of each victim would be entitled to compensation.”
Hindi pa agad batid kung bakit tumaob ang nasabing bangka.
© Agence France-Presse