Hindi bababa sa 23 dam projects inaasahang makukumpleto sa 2028: NIA
Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA), na inaasahan nitong makukumpleto ang 20 medium-term projects at tatlong long-term projects hanggang sa 2028.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, kabilang dito ang Tumauini Dam sa Isabela, maging ang dam projects sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Samantala sa Visayas, sinabi niya na itatayo ng NIA ang Jalaur Dam.
Ang iba pang mga proyekto sa Panay River Basin, na karagdagan sa mas maliliit na medium-sized dams, ay gagawin din.
Dagdag pa ng opisyal, “And then marami po sa Mindanao actually lalo rito sa may along Pulangi River – iyong Antung Dam; iyong Lower Malitubog – patapos na nga kami doon sa MALMAR II namin ano po, malaki rin po iyon nasa 12,000 hectares din po iyon. And then itutuloy namin ang MALMAR – iyong Lower Malitubog na tinatawag.”
Ayon kay Guillen, ang mga hakbang ay sa gitna ng pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos, na mas maraming dam ang itatayo upang resolbahin ang ‘water challenges’ ng bansa.
Aniya, “High dams or those spanning 100 meters have multiple uses in flood control, irrigation, power generation, aquaculture, bulk water, floating solar, and tourism.”
Bagama’t ang Pilipinas ay mayroong high dams, sinabi niya na ang mga ito ay itinayo mahigit 50 taon na ang nakalilipas.
Sabi ni Guillen, “May bawi po tayo kapag high dam. So ito po ang focus ng ating Pangulo ngayon.”