Hindi bababa sa 245 sa Syria patay matapos ang lindol sa Turkey
Hindi bababa sa 245 katao ang nasawi sa Syria nang gumuho ang mga gusali, matapos tumama ang isang 7.8-magnitude na lindol na ang sentro ay sa katabing Turkey.
Ayon sa Syrian health ministry, higit sa 230 katao ang namatay at higit 600 ang nasaktan sa bahagi ng Syria na kontrolado ng gobyerno, habang sinabi naman ng isang ospital na walong iba pa ang namatay sa bahaging hilaga na kontrolado ng pro-Turkish factions.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Syrian health ministry, “Six hundred and thirty-nine people were injured and 237 were killed in the provinces of Aleppo, Latakia, Hama and Tartus.”
Ayon naman sa ulat ng AFP correspondents sa northern Syria, naglabasan mula sa kanilang tahanan ang nahintakutang mga residente, matapos tumama ng lindol malapit sa Turkish city ng Gaziantep, humigit-kumulang 40 kilometro (25 milya) mula sa Syrian border.
Nagkumahog naman ang rescuers na maghanap ng survivors sa ilalim ng debris ng gumuhong mga gusali sa gitna ng pagbuhos ng ulan.
Sa Aleppo lamang ay 24 katao na ang namatay at 100 naman ang nasaktan nang bumagsak ang 20 mga gusali, batay sa report ng official state news agency SANA banggit ang mga opisyal sa lalawigan.
Ayon pa sa SANA, naramdaman ang pagyanig mula sa western coast ng Latakia hanggang sa Damascus.
Sinabi ni Raed Ahmed, pinuno ng center, “This earthquake is the strongest since the National Earthquake Centre was founded in 1995.”
Sa northern Syrian areas na kontrolado ng pro-Turkish factions, ay hindi bababa sa walo katao ang nasawi sa mga rehiyon ng Azaz at Al-Bab, ayon kay Omar Alwan, medical response coordinator para sa lugar, at idinagdag na ang bilang ay malamang na tumaas dahil nagpapatuloy pa ang search and rescue operations.
Ayon kay Alwan, “We have been working on rescuing survivors and recovering the dead from under the rubble,” habang dose-dosenang rescuers at mga residente ang nagtutulong-tulong sa paghahanap ng survivors sa ilalim ng mga guho.
Sa kalapit na rehiyon ng Idlib na hawak ng mga rebelde na nasa hangganan ng Turkey, sinabi ng White Helmets rescue group na mayroong “dose-dosenang mga biktima at daan-daang katao ang nasugatan at naipit sa ilalim ng mga guho.”
Sabi pa nila, “Our teams are on the highest levels of alert to respond.”
Sa Azmarin sa Turkish border, hindi bababa sa 10 mga gusali ang bumagsak.
Ang 7.8-magnitude na lindol ay tumama malapit sa Gaziantep sa southeastern Turkey, alas-4:17 ng umaga (local time) na may lalim na humigit-kumulang 17.9 kilometers (11 miles), ayon sa US Geological Survey.
Ang pagyanig ay ramdam hanggang sa Lebanon, Syria at Cyprus.
© Agence France-Presse