Hindi bababa sa 26, patay sa train accident sa Greece
Hindi bababa sa 26 katao ang namatay at 85 iba pa ang nasugatan, matapos ang banggaan sa pagitan ng dalawang tren na nagdulot ng pagkadiskaril malapit sa Greek city ng Larissa.
Kinumpirma ng isang tagapagsalita ng fire services, na tatlong bagon ang lumaktaw sa riles matapos na ang mga tren, na ang isa ay para sa kargamento at ang isa ay may lulan namang 350 mga pasahero ay magbanggaan nang halos nasa kalahatian na ang ruta sa pagitan ng Athens at Thessaloniki.
Sinabi ni spokesman Vassilis Vathrakogiannis, “At least 26 people have been found dead so far. Efforts to rescue people still trapped were still ongoing. Eighty-five people were injured and transported to nearby hospitals.”
Tinawag naman ng Greek media ang aksidente na “pinakagrabeng train accident na nasaksihan ng Greece.”
Ayon sa Greek emergency service, nasa 150 mga bumbero at 40 mga ambulansya ang pinakilos upang rumesponde. Nag-deploy din ng mga crane at mechanical personnel upang subukang tanggalin ang mga debris at tumaob na mga bagon.
Sabi pa ni Vathrakogiannis, “The majority of passengers have been taken to safety. The operation to free trapped people is underway and is taking place in difficult conditions, due to the seriousness of the collision between the two trains.”
Ayon naman sa public television station na ERT, nasunog ang isa sa mga bagon ng tren matapos ang banggaan at ilang tao ang na-trap sa loob.
Sinabi ng isang pasahero na may pangalang Lazos, “The experience had been ‘very shocking.’ I wasn’t hurt, but I was stained with blood from other people who were injured near me.”
Isang emergency government meeting ang inorganisa pagkatapos ng aksidente, at ang Greek health minister na si Thanos Plevris ay nagtungo sa pinangyarihan ng aksidente, habang si interior minister Takis Theodorikakos naman ang namahala sa pagresponde mula sa isang crisis management center.
Inanunsyo rin ng gobernador ng rehiyon na si Kostas Agorastos, na higit sa 250 mga pasahero ang inilipat sa Thessaloniki lulan ng bua.
Ang dalawang ospital na malapit sa Larissa ay inatasan na i-accomodate ang maraming nasugatan, ayon sa fire services, habang ang mga ospital ng militar sa Thessaloniki at Athens ay “naka-alerto” rin kung sakaling kailanganin ang mga ito.
© Agence France-Presse