Hindi bababa sa 7 katao patay sa pananalasa ng mapaminsalang US storm system na maaaring lumakas pa

Bryson Mattson and Eduardo Lopez from the Indiana Restoration and Cleaning company clean up the storm damages at Prana Play in Carmel, Indiana, U.S., April 3, 2025. REUTERS/Stephanie Amador/File Photo
Hindi bababa sa pito katao ang namatay sanhi ng isang mapaminsalang spring storm, at nag-trigger ng mga tornado mula Texas hanggang Ohio at nagbabanta rin ng mga pagbaha.
Ang malakas na bagyo ay inaasahang mananalasa sa midsection ng U.S., ayon sa National Weather Service na maaaring mag-trigger ng mga tornado sa mga lugar na binabayo na ng malalakas na mga pag-ulan.
Sinabi ni Evan Bentley, isang forecaster sa Storm Prediction Center ng NWS, “We’re concerned there could be some strong but essentially intense tornadoes across Northeast Texas up into Western Arkansas.”
Ini-akyat na ng NWS sa level four ang bagyo na ginagamit sa pagsukat sa inaasahang lakas ng masamang panahon, kung saan level five ang pinakamataas.
Ayon kay Bentley, “Only 10 to 12 storms are given a four rating per year, making them pretty rare.”
Hindi bababa sa pito katao na ang namatay dahil sa matinding sama ng panahon simula pa noong Miyerkoles, ayon sa media reports. Kabilang dito ang isang tatay at 16-anyos niyang anak na babae na namatay nang tamaan ng tornado ang kanilang bahay sa Tennessee, ayon sa New York Times.
Lima ang namatay sa Tennessee kaugnay ng weather-related incidents, isa sa Indiana at isa sa Missouri, ayon sa ulat ng NBC. Hindi naman bababa sa 13 ang nasaktan sa magkabilang panig ng rehiyon.
Nasa 34 na tornadoes naman ang napaulat sa buong rehiyon noong Miyerkoles, ayon sa Storm Prediction Center. Kinumpirma nito na isang tornado ang tumama sa Wilmington, Ohio, may 50 milya (80 km) sa hilagang-silangan ng Cincinnati.
Nakumpirma rin ang pagtama ng twisters sa mga estado ng Arkansas, Illinois, Kentucky, Mississippi, Missouri at Tennessee.
Ayon sa Climate Central, isang independent nonprofit na nagsasagawa ng pananaliksik sa weather patterns, “Climate change is bringing heavier rainfall and related flood risks in most parts of the U.S., with the upper Midwest and Ohio River Valley among the regions most affected.”
Samantala, may nakataas na flash-flood warnings sa Ohio River Valley mula sa northwestern corner ng Mississippi hanggang sa northeastern Kentucky.
Ayon sa NWS Weather Prediction Center, “Any flash and riverine flooding across these areas will have the potential to become catastrophic and life-threatening.”
Ang NWS ay bahagi ng National Oceanic and Atmospheric Administration.