Hindi nababayarang suweldo, nangungunang reklamo ng migrant workers sa Qatar: UN
Inihayag ng United Nations (UN) labour agency, na ang hindi nababayarang sahod ang nangingibabaw sa dumaraming reklamo ng migrant workers sa Qatar.
Sinabi ng International Labor Organization (ILO), na ang bilang ng mga reklamo ng manggagawa ay higit sa doble sa isang taon o katumbas ng 34,425.
Ayon sa report ng ILO, ang pangunahing sanhi ng mga reklamo ay ang hindi nababayarang suweldo, end-of service benefits, at ang hindi pagbibigay ng annual leave o kaya ay hindi pagbabayad nito.
Nakasaad pa sa report ng ILO, na 10,500 mga kaso ang naisampa sa labour tribunals kung saan ang hatol ng halos lahat ng mga hukom ay pabor sa mga manggagawa.
Ang Qatar, na pagdarausan ng World Cup sa Nobyembre 20, ay malawakang binabatikos dahil sa kondisyon ng migrant workers doon, maging ang tungkol sa mga karapatan ng mga babae.
© Agence France-Presse