Hindi paglalaro ng ‘Big Three’ sa Australian Open, ‘big disaster’ ayon kay Kyrgios
Hinimok ni Nick Kyrgios si Rafael Nadal at Novak Djokovic na maglaro sa Australian Open, at sinabing “disaster” kapag wala ang ‘Big Three.’
Una nang nag-pull out ang Swiss ace Roger Federer dahil nagpapagaling pa ito mula sa kaniyang knee injury, at hindi naman malinaw ang mga plano ni Nadal matapos mahawa ng COVID-19.
Si Djokovic ay nasa entry list para sa unang Grand Slam ng susunod na taon na magsisimula walang tatlong linggo mula ngayon, subalit tumanggi itong kumpirmahin kung siya ba ay bakunado na sanhi magkaroon ng mga pag-aalinlangan kung susulpot ba ito o hindi.
Bawat isa sa dominant ‘Big Three’ ay pawang nagsipagwagi ng 20 Grand Slam titles, at kailangan sila ng tennis ayon kay Kyrgios simula sa Melbourne sa susunod na buwan.
Ayon kay Kyrgios . . . “I honestly don’t know Novak’s current situation with anything Covid-related or what he needs to play. I hope he’s had a good holiday and I hope he’s able to play in the sport for as long as possible because I’ve voiced before I think Federer, Nadal and Djokovic need to be (playing). If all three aren’t there, it’s a disaster. It’s an absolute disaster for the fans and the people that enjoy tennis. Yes, it’s obviously a good opportunity for some of the younger guys to come through and make an impact, but as a whole, we do need them to be part of the sport.”
Dagdag pa rito, si Dominic Thiem na natalo kay Djokovic sa isang five-set classic sa 2020 final ay nagsabing hindi rin siya makapaglalaro dahil sa wrist injury.
Samantala, nagpapagaling pa rin mula sa coronavirus ang Russian world number five na si Andrey Rublev at Wimbledon semifinalist Denis Shapovalov ng Canada, kaya’t may kalabuan din kung makapaglalaro ang mga ito dahil kailangan pa nilang maghanda.
Magsisimula ang Australian Open sa Melbourne Park sa January 17.
Si Kyrgios na taga Australia na bumagsak sa ika-93 sa world ranking, ay hindi na nakapaglaro pagkatapos ng Laver Cup sa mga huling bahagi ng Setyembre dahil sa knee injury.
Aniya, sabik na siyang muling maglaro sa harap ng Australian fans.
Ayon kay Kyrgios . . . “My knee is something that has been hindering my career for a while now, it’s just something I had cleaned up last year and it feels good. I want to enjoy myself, I want to be happy, and that is it.”
Nakatakda niyang simulan ang kaniyang 2022 campaign sa Melbourne Summer Set event simula sa Enero a-4.