Hindi pangkaraniwang rough ruby, idinisplay sa Dubai
Isang hindi pangkaraniwang rough ruby na tinawag na pinakamalaki sa buong mundo, ang naka-display ngayon sa Dubai.
Ang 8,400-carat na bato na pinangalanang Burj Alhamal at may timbang na 2.8 kilograms (higit anim na libra), ay nakuha sa Tanzania at nag-debut sa isang Dubai hotel nitong Biyernes bilang bahagi ng SJ Gold and Diamond Callisto collection.
Ayon sa kompanya, ang naturang rough rubies ay “isa sa pinakamalaki” sa buong mundo.
Sinabi naman ni Patrick Pilati, managing director ng kompanya . . . “The Tanzanian stome is among the rarest rubies ever found. It is not heated, meaning it has not been treated, so it’s natural and that’s why it’s precious.”
Iminumungkahi sa mga ulat, na ang rough ruby na may greenish at dark purple ang kulay ay maaaring maipagbili ng hanggang $120 million.
Ang bato ay idi-display sa iba’t-ibang lugar sa Dubai sa susunod na 30 araw, bago i-auction.
Noong isang buwan, isang higanteng diamante na tinawag na “The Rock” ang idinisplay din sa Dubai sa unang pagkakataon.
Ang 228.31-carat pear-shaped diamond na nakuha sa South Africa higit 20 taon na ang nakalipas, ang pinakamalaking white diamond na ini-auction ayon sa Christie’s.
Ang nasabing diamante ay inaasahang maibebenta ng higit $30 million.