Hinihinalaang Naghagis ng Granada sa Kiev, Nakunan sa Camera
SEPT. 1 (Reuters) – Ang footage na pinakita ng Radio Free Europe/Radio Liberty noong Lunes (August 31) , isang lalaki ang naghagis ng granada sa Kiev kung saan isa ang namatay at 90-katao ang nasugatan sa labas ng Ukraine’s parliament.
Isang Ukrainian national guardsman ang namatay noong Lunes (August 31) sa panahon ng protesta sa labas ng parliament sa Kiev, kung saan ang mga mambabatas ay nagbotohan para bigyan ng matinding awtonomiya ang mga lugar kung saan madalas nagpoprotesta sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon kay Interior Minister Arsen Avakov na 90 national guardsmen ang nasugatan, apat sa kanila ang malubhang nasugatan sa mata, tiyan, leeg at binti, mula sa mga explosive devices na tumama sa kanila.
Ang protesta ay nangyari matapos magbotohan ang mga kinatawan kung saan 265 ang pabor sa unang pagbasa ng batas – 39 pa ang kailangan para maipatupad ito.