Hollywood writers at studios, nagkaroon ng pansamantalang kasunduan
Inihayag ng mga nagwewelgang writer na nagkaroon sila ng pakikipagkasundo sa mga studio, na maaaring humantong sa muli nilang pagbalik sa trabaho.
Nakasaad sa isang liham ng Writers Guild of America (WGA) na ipinadala sa kanilang mga miyembro, “We have reached a tentative agreement on a new 2023 (minimum basic agreement), which is to say an agreement in principle on all deal points, subject to drafting final contract language. We can say, with great pride, that this deal is exceptional — with meaningful gains and protections for writers in every sector of the membership.”
Ang sulat ay walang ibinigay na mga detalye tungkol sa kasunduan.
Ang nakasaad lang ay, “Language was being ironed out and that the final say would be given to the membership. To be clear, no one is to return to work until specifically authorized to by the Guild. We are still on strike until then. But we are, as of today, suspending WGA picketing.”
Libu-libong film at television writers ang tumigil sa pagtatrabaho sa mga unahg bahagi ng Mayo, kaugnay ng kanilang hinihingi na mas maayos na kabayaran para sa mga manunulat, mas malaking reward kapag naging “hit” ang show na kanilang isinulat, at proteksiyon mula sa artificial intelligence (AI).
Inabot ng buwan ang kanilang pagpipiket sa labas ng mga tanggapan kabilang ang sa Netflix at Disney, pagkatapos ay sumama na rin sa kanila ang mga artista sa kalagitnaan ng Hulyo, na naging sanhi ng malaking pagkalugi ng US entertainment industry makaraang mahinto ang lahat ng produksiyon, mapa-pelikula man o telebisyon.
Ang mga negosasyon ay namamatay sa loob lang ng ilang linggo, hanggang sa lumitaw ang isang bagong proseso nitong mga nakaraang araw, kung saan ang mga pinuno ng Netflix, Disney, Universal at Warner Bros Discovery ay personal na dumalo sa mga pag-uusap.
Kabilang sa kanilang“demands,” sinabi ng mga manunulat na ang kanilang suweldo ay hindi na nakaaagapay sa inflation, at ang pagdami ng streaming ay naging sanhi upang mawala ang kinikita nilang “residuals” kapag ang palabas na kanilang isinulat ay naging isang “smash hit.”
Ang mga studio ay nag-alok na mas magiging transparent, ngunit walang ini-alok na pagbabago sa kung paano kinukuwenta ang residual payments.
Hinihingi rin ng mga manunulat na bawasan ang paggamit sa AI na pinangangambahan nilang maaaring maging daan upang sila ay palitan sa paggawa ng script para sa mga pelikula o palabas sa hinaharap, na lalong magpapabawas sa kanilang kikitain.
Ang welga ngayon ng WGA ay higit na mahaba kaysa welga nila noong 2007-08 na tumagal ng 100 araw at ikinalugi ng ekonomiya ng California ng $2.1 billion.
Bagama’t maging pinal na ang kasunduan sa mga manunulat, ay magpapatuloy pa rin ang welga ng mga artista.
Wala pang napag-usapang kontrata sa pagitan ng mga studio at ng 160,000-strong SAG-AFTRA guild ng mga artista simula nang mag-umpisa ang welga.
Subali’t ang dalawang unyon ay maraming magkakaparehong demands, at ayon sa mga insider ang kasunduan sa WGA ay maaaring makatulong upang bigyang-daan ang resolusyon sa welga ng mga artista.