Home quarantine magiging opsyon lamang kung puno na ang mga quarantine facility – DOH
Nilinaw ng Department of Health na pinapayagan parin ang home quarantine para sa mga mild, symptomatic , at iba pang mga sintomas ng Covid- 19.
Ginawa ni health undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang paglilinaw kasunod ng resolusyon ng inter – agency task force hinggil sa mahigpit na implementasyon ng facility based quarantine.
Pero paliwanag ni vergeire , ang home quarantine ay magiging opsyon lamang kung puno na ang mga quarantine facility sa partikular na lugar na kinaroroonan ng isang mild o asymptomatic patient.
Kailangan aniyang makasunod rin sa mga kondisyon , gaya ng dapat ay mayroong sariling kuwarto at cr na ang pasyente lang ang gagamit para masigurong hindi ito magkakaroon ng contact sa kanyang mga kasama sa bahay.
Aminado naman ang Health official sa posibilidad na itago ng ilan ang kanilang mga nararamdamang sintomas ng virus dahil sa takot na madala sa mga temporary treatment facilities.
Madz Moratillo