Honduran ex-President, Inaresto kasunod ng extradition request ng U.S.
Inaresto ng pulisya si dating Honduran president Juan Orlando Hernandez kasunod ng extradition request ng Estados Unidos.
Magugunitang hiniling ng U.S. na ma-extradite si Hernandez dahil umano sa kaniyang kaugnayan sa mga drug trafficker.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng isang judge sa Honduras ang pag-aresto sa dating presidente.
Sumuko naman sa pulisya si Hernandez at sinabing nakahanda siyang harapin ang kaso at ipagtanggol ang sarili.
Pinagsuot naman ng mga pulis si Hernandez ng bulletproof vest at pinusasan ito paglabas niya ng kaniyang bahay sa kabisera ng Honduras na Tegucigalpa.
Please follow and like us: