Hong kong health facilities, Overloaded na dahil sa omicron wave
Sa Hong kong
Overloaded na ang mga health facility dahil sa mabilis na pagdami ng COVID-19 infections bunga ng Omicron wave.
Sinabi ni Hong kong Leader Carrie Lam na nasa fifth wave na sila ng pandemya dahil sa Omicron.
Unang nakapasok ang Omicron sa Hong kong noong Disyembre kung kailan nakapagtala ng mahigit walong libong infections sa nakalipas na mga linggo.
Ayon sa mga Researcher, posibleng pumalo ng mahigit dalawampu’t limang libo ang maitatalang kaso kada araw sa susunod na buwan.
Kaugnay nito, sinabi ni Lam na muli nilang ipapatupad ang “zero covid” strategy at tutulong ang main land para palakasin ang kanilang testing at quarantine resources.