Hong Kong nagbabala sa animal lovers na huwag hadlangan ang hamster cull
Nagbabala ang Hong Kong government sa local animal lovers na huwag hadlangan ang ginagawa nilang pagpatay sa maliliit na hayop, isang polisiya na ipinatupad matapos magpositibo sa Covid-19 ang mga hamster sa isang pet shop.
Ang Chinese City ay sumusunod sa mahigpit na “zero-Covid” policy, kung saan kahit ang bahagyang senyales ng virus ay agad na pinupuksa sa pamamagitan ng contact tracing, targeted lockdowns at long quarantines.
Ang pagkakadiskubre sa Covid-positive imported hamsters sa Little Boss pet store ang nagbunsod upang patayin ang halos 2,000 small per shop mammals na karamihan ay hamster, pero kasama rin ang mga rabbit, chincillas at guinea pigs bilang precautionary measures, at hinimok ang sinuman na nakabili ng maliliit na hayop makaraan ang December 22, na i-surrender ang mga ito.
Subali’t ang polisiya ay tinutulan kung saan ang animal lovers ay nagtipon sa labas ng government-run hamster collection facility, para hikayatin ang animal owners na huwag isuko ang kanilang mga alaga.
Ayon sa pasilidad, hanggang nitong Huwebes ng gabi ay 68 hamsters na ang isinuko sa kanila.
Sa ngayon ay wala pang ipinapataw na penalty sa pet owners na hindi magsusuko ng kanilang alaga na nabili makaraan ang December 22, subali’t sinabi ng health officials na ang Hong Kong ay may mga legal na mekanismo para magpatupad ng mandatory surrender.
Nagbabala rin sila na malamang na tumaas din ang insidente ng animal-to-human virus transmission, makaraang makadiskubre ng dagdag pang Covid-positive cases na may kaugnayan sa iba pang local pet shops.
Ayon sa pangunahing microbiologist ng syudad na siya ring government adviser on Covid na si Yuen Kwok-yung . . . “The mass cull was needed to avert disaster.”
Aniya . . . “We have reason to believe the source was the warehouse containing more than 1,000 hamsters in close proximity. The virus could multiply via cross-infection and spread to pet shops and other retail outlets.”
Dagdag pa ng opisyal, ang virus samples na nakita sa pet warehouse ay nakakatulad ng “non-local European Delta variant” – na bihira na ngayon sa Hong Kong.
Hindi rin pangkaraniwan sa lungsod hanggang ngayon ang Covid-related animal culling.
Sa mga unang bahagi ng linggong ito, sinabi ng isang opisyal ng World Health Organization na ang panganib ng animal-to-human transmission ay namamalaging mababa, pero mayroon aniyang posibilidad.