Hospital-in-a-bike project, pinondohan ng Israel
Kapwa pinondohan ng Agency for International Development Cooperation o MASHAV ng Israel at ng embahada ng Israel sa Pilipinas, ang “Hospital-in-a-Bike” Project ng Makati Medical Center Foundation Inc.
Layunin ng proyekto na makapagsagip ng buhay o maiwasan ang dagdag pang injuries sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang atensiyong medikal sa mga liblib na lugar sa magkabilang panig ng bansa.
Ang P500,000 grant ay ilalaan para sa isang basic Trauma Kit na kabibilangan ng medical supplies and equipment gaya ng nasal tracheostomy tube, surgical tools, at portable oxygen. Kasama rin dito ang specialized communications equipment.
Ayon kay Ambassador Ilan Fluss . . . “Part of the embassy and MASHAV’s vision is to share with the Philippines the know-how technologies which provided the basis for Israel’s own rapid development. The embassy gives importance to reaching out to remote communities and supporting them with innovative but simple approach to deal with their needs such as responding to medical emergencies.”
Kabuuang 100 cycle responders ang makikinabang sa nasabing proyekto na kinabibilangan ng 25 Tausug Heroes na nakabase sa Sulu Province, 25 cycle responders na nakabase sa Luzon, 25 cycle responders na nakabase sa Visayas, at 25 cycle responders na nakabase sa Mindanao.
Sinabi ni Fluss na umaasa silang mas maraming pang mga komunidad, laluna ang mga nasa liblib na mga lugar ang makikinabang sa proyekto sa hinaharap.
Personal na itinurn-over ni Fluss at Deputy Chief of Mission Nir Balzam ang grant kina Dr. Victor Gisbert, pangulo ng MakatiMed Foundation and MASHAV alumna, at MakatMed Foundation Executive Director Mary Margaret M. Barro.
Sumaksi naman sa pamamagitan ng birtuwal na pamamaraan ang board of trustees ng Makati Medical Center Foundation Inc., na pinamumunuan ni Manny Pangilinan