Hot dog eating champ muling nagwagi sa July 4 contest sa New York

Joey Chestnut celebrates his 15th championship title during the 2022 Nathan's Famous Fourth of July hot dog eating contest on Coney Island on July 4, 2022 in New York. - Joey Chestnut ate 63 hot dogs and buns. (Photo by Yuki IWAMURA / AFP)

Animnapu’t tatlong (63) hot dogs ang kinain ng isang lalaking nagngangalang Joey Chestnut sa loob ng sampung minuto, para manalo sa taunang July 4 competitive eating contest, na kinatatampukan ng quintessential cookout food ng Amerika sa Coney Island, New York.
Ito na ang ika-15 ulit na nanalo si Chestnut sa nasabing contest, subali’t hindi niya naabot ang nagawa niyang record noong 2020 kung saan 76 na hotdogs kasama ang bun ang kaniyang nakain sa loob din ng 10 minuto.
Kaya humingi siya ng paumanhin sa mga nanood at nangakong mas gagalingan niya sa susunod na taon.
Sinabi ni Chestnut, na nagsasanay siya para sa nabanggit na contest sa pamamagitan ng malimit na pagkain ng hotdogs at pagsali sa hotdog eating contests, humigit-kumulang isang beses sa isang linggo.

Si Chestnut ang undisputed winner ng Nathan Famous Fourth of July Hot Dog Eating Contest, habang second place naman si Geoffrey Esper na kumain ng 47.5 franks at buns, at third si James Webb na kumain ng 41.
Ayon sa contest host na si George Shea . . . “Joey Chestnut is a force from beyond who defies the laws of physics.”

Samantala, sa women’s category, ay si Miki Sudo naman ang nagwagi matapos kumain ng 40 hot dogs sa loob ng sampung minuto.
Si Sudo ay muling nagbalik matapos na hindi sumali noong nakaraang taon dahil sa siya ay buntis. Bagama’t nanalo ay hindi rin naabot ni Sudo ang record niya na 48 franks.

Dagdag pa ni Shea . . . “The Nathan’s Famous Fourth of July Hot Dog Eating Contest is arguably the most iconic sporting event in American history. The event is a crucible through which greatness is forged.”
© Agence France-Presse