House committee report kaugnay sa anomalya sa BOC, ilalabas na bukas

Abswelto si Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa anumang kasong administratibo at criminal liability subalit habambuhay na parusa naman ang kakaharapin ni broker-importer Mark Taguba at dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na umano’y sangkot sa kontrobersiyal na ₱6.4 billion shabu smuggling.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ito ang nilalaman ng kanilang aaprubahang report bukas (Martes) kaugnay sa nasabing imbestigasyon sa anomalya sa BOC.

Paliwanag ni Barbers,  ang pahayag ni Taguba na si Paolo Duterte ang ginagamit na pangalan ng tinatawag na Davao group na kanyang ka-transaksyon sa BOC ay pawang hearsay lamang.

Ito umano ang dahilan kaya iginigiit nila sa komite na hindi sila nag-i-entertain ng tsismis at nakatutok lang sila sa usapin ng droga at noong tanungin si Taguba kung may direktang involvement ang Vice Mayor ay sinabi niya na wala.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *