House majority leader Nonoy Andaya, kinontra ni Budget secretary Benjamin Diokno sa isyu ng abolition ng Road Board

Nanindigan si Budget Secretary Benjamin Diokno na ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay buwagin ang Road Board na siyang namamahala sa Road Users Tax.

Sinabi ni Diokno na nakausap niya si Pangulong Duterte at malinaw ang posisyon ng Chief Executive na buwagin na ang Road Board.

Ayon kay Diokno mismong ang Pangulo ang nag-utos sa kanya na huwag ilabas ang pondo Road Users Tax hanggang hindi nareresolba ang isyu ng pagpapabuwag sa Road Board.

Ang pahayag na ito ni Diokno ay taliwas naman sa sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya na nakausap raw nila ni House Speaker Gloria Arroyo si Pangulong Duterte sa Palasyo bago ang naging desisyon ng Kamara nitong Setyembre na bawiin ang ipinasa nilang bill na layong buwagin ang road board.

Ayon kay Andaya, hindi raw pabor si Pangulong Duterte na i-abolish ang Road Board at ipagpatuloy ang paglalabas ng pondo ng Road Users Tax.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *