House resolution na magtatag ng integrated legislative management system aprubado na sa Kamara
Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolution na lilikha sa Integrated Legislative Management System na magpapabuti sa serbisyo ng gobyerno para sa mga Pilipino.
Nagkaisa ang mga Kongresista na pagtibayin ang House Concurrent Resolution Number 10 para maitatag at mapanatili ang isang integrated at secured na digital legislative management system ng Kongreso na tatawaging E-Congress, at isang hakbang tungo sa pagpapahusay ng serbisyo sa publiko.
Iniakda ang resolusyon nina House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Minority Leader Marcelino Libanan.
Nakasaad sa resolusyon na dapat na tutukan ng bicameral conference committee ang tuloy-tuloy na collaboration, coordination, communication, at pagababahagi ng kaalaman at impormasyon mula sa dalawang kapulungan ng kongreso.
Sinabi ng mga mambabatas na ang makabagong teknolohiya at maayos na connectivity ang oportunidad ng dalawang kapulungan ng kongreso para i-update ang intra- at inter-chamber processes sa pamamagitan ng pag-adopt at paggamit sa digital systems na magpapaigting sa koordinasyon at mangangasiwa sa engagement ng publiko sa legislative processes.
Vic Somintac