House Speaker Alan Peter Cayetano hindi na hawak ang mayorya ng mga kongresista
Nawawalan na umano ng numero si outgoing House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ito ang iginiit ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza kasunod ng patuloy na pagsuway ni Cayetano sa term-sharing agreement sa House Speakership.
Nakasama rin aniya ang pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang deputy speaker na may malakinv impluwensya sa party-list coalition na may 54 members.
Naniniwa rin si Atienza na ang susuportahan ng PDP-Laban na partido ng Pangulong Duterte ay si Marinduque Rep Lord Allan Velasco na may 65 myembro.
Maging ang National People’s Coalition na may 35 members ay suportado rin aniya si Velasco bilang House speaker.
Labis naman ang pagkadismaya ni Oriental Mindoro Congressman Doy Leachon sa pagtanggal sa posisyon ng mga hindi kaalyado ni Cayetano.
Nangangamba si Leachon na ang mga nangyayari ngayon sa Kamara kung hindi maiaayos ay makaapekto sa budget deliberations lalo na at marami ring mambabatas ang dismayado sa budget allocation sa kani-kanilang distrito.
Kaugnay nito, umaasa naman si Leachon na makakapag iisip isip si Cayetano at bababa sa pwesto sa Oktubre 14 para bigyan daan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makaupo bilang House Speaker sa ilalim narin ng kanilang term sharing agreement.
Madz Moratillo