House ways and means committee nagbabala ng rice supply shortage sa ipinatutupad na rice price ceiling
Mayroon talagang pang-aabuso ng mga hoarders at manipulators kaya napilitan ang gobyerno na magpatupad ng price ceiling sa bigas sa pamamagitan ng executive order 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sinabi ni congressman Joey Salceda chairman ng house ways and means committe ang pagpapatupad ng rice price ceiling ay puputol sa ginagawang hoarding at manipulation ng mga tiwaling rice traders sa bansa.
Ayon sa mambabatas ang pagpapatupad ng rice price ceiling ay mayroong ding negatibong buwelta o epekto at ito ay ang pagkakaroon ng shortage sa supply ng bigas.
Inirekomenda ng kongresista na isa ring economic expert sa Department of Agriculture o DA na tiyakin na balansiyado ang supplay ng bigas sa mga lugar na mayroong kakulangan ng bigas upang maiwasan ang shortage.
Inihayag ng Kamara kailangan ang tulong ng mga Local Government Units o LGUs sa pagmomonitor ng galaw ng supply ng bigas sa ibat-ibang panig ng bansa upang maiwasan ang pagkakaroon ng rice supply shortage.
Vic somintac