Housing backlog sa bansa maaaring umabot umano sa halos 7 milyon sa susunod na taon
Maaaring umabot na umano ng hanggang 6.8 milyon ang housing backlog sa bansa hanggang sa susunod na taon.
Ito ang babala ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Kiko Benitez kung hindi magtutulungan ang public at private sectors para mapigilan ang nakaambng housing crisis.
Una rito, inadopt sa Committee on Housing and Urban Development ang resolusyon para ideklara ang housing crisis sa bansa kasabay ng paghikayat sa gobyerno na i- mobilize ang resources nito para mapabilis ang pagtatayo ng mga bahay lalo na sa mga nangangailangan.
Ayon kay Benitez, nasa 800 libong housing units ang dapat itayo kada taon para makaagapay sa tumataas na populasyon sa bansa.
Kaugnay nito sinabi ni Benitez na nakipag ugnayan na si House Speaker Lord Allan Velasco kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario para makita ang proress sa housing project para sa mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa “Marawi siege.”
Posibleng sa Abril ay magtungo aniya sila sa Marawi para makita ang sitwasyon roon.
Madz Moratillo