Housing program ni PBBM suportado ng mga executive official ng Metro Manila
Nagpahayag ng pagsuporta ang ilang local chief executives sa Metro Manila sa mga programang priority sa pabahay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Layon nang naturang programa na matugunan ang kasalukuyang backlog ng pabahay na mahigit 6.5 milyon, kabilang ang mga informal settler families (ISFs).
Dahil dito agad na nakipag-ugnayan si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa mga lokal na opisyal para talakayin ang naturang programa .
Batay sa datus ng DHSUD, nasa 500,000 ISFs sa National Capital Region ay nasa mahihirap na kondisyon at naninirahan – sa mga slum, riles, daluyan ng tubig, esteros at iba pang lugar na may mataas na peligro.
Nakatakda pang makipagpulong ang DHSUD chief sa iba pang opisyal ng NCR sa mga susunod na araw upang matiyak ang maayos na paglulunsad ng mga programa sa pabahay upang agad na magbigay ng tirahan sa milyun-milyong Pilipino.