Housing units sa Pandi Bulacan,hindi maaaring ipamigay ng libre – NHA

Hindi maaring ipamigay lamang ng libre ang mga government housing project sa Pandi, Bulacan na inokupa ng mga miyembro ng KADAMAY.

Ito ang binigyan diin ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez.

Ayon kay Benitez, kailangan pa ring magbayad ang mga ito sakaling payagan silang manatili sa inokupang housing unit.

Paliwanag pa ni Benitez, sakaling ipamigay ng libre ang mga bahay tataas ang kasalukuyang backlog ng pamahalaan sa pabahay mula sa anim na milyon hanggang pito o walong milyon.

Giit ni Benitez, abot-kaya ang pabahay na programa ng National Housing Authority) kaya dapat bayaran pa rin ng mga KADAMAY member ang inokupa nilang housing units.

Samantala, pinaalalahanan naman ng mga kongresista ang NHA na baka masampahan ng technical malversation sakaling libre nilang ipamigay sa KADAMAY members ang mga unit na nakalaan dapat sa mga sundalo at pulis.

Pahayag ito ni Benitez matapos na magdesisyon ang NHA na ipagpaliban na muna ang pagpapatupad ng eviction notice sa mga miyembro ng KADAMAY at hintayin na lamang ang isasagawang profiling sa masuwerteng benepisaryo ng naturang programa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *