Huling batch ng mga undocumented OFW mula sa Kuwait, nakabalik na sa bansa

 

Dumating na sa bansa ang huling batch ng mga undocumented Overseas Filipino workers mula sa Kuwait.

Alas-7:00 kaninang umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airporto NAIA-1 ang 215 OFW kasama na ang ilang mga bata sakay ng Qatar Airways flight QR934.

Pagdating sa NAIA, binigyan ang mga OFW ng 5,000 pisong cash assistance.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, umaabot sa kabuuang 5, 066 ang mga OFW na napauwi sa bansa dahil walang sapat na dokumento at nag-avail ng amnesty program ng Kuwait.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na bibigyan pa rin nila ng ayuda ang mga OFW na hindi nakaabot sa amnesty program ng Kuwait na nag-lapse na kahapon.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na sa ngayon umaabot pa sa halos 5,000 undocumented OFWs ang hindi nakapag-apply sa Repatriation program ng gobyerno.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *