Humigit-kumulang 25 Russian diplomats, patatalsikin ng Spain

Spanish Minister of Foreign Affairs, European Union and Cooperation, Jose Manuel Albares, speaks during his official visit at the Foreign Ministry building, in Mexico City, on March 9, 2022. (Photo by Pedro PARDO / AFP)

Patatalsikin ng Spain ang humigit-kumulang 25 Russian diplomats at embassy staff kaugnay ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, kasunod ng kaparehong hakbang ng Germany at France.

Ayon kay Foreign Minister Jose Albares . . . “The unbearable images we have seen of the massacre of civilians in the town of Bucha after the withdrawal of the Russian army deeply outrage us.”

Sinabi niya sa isang news confeence kasunod ng isang weekly cabinet meeting, na ang Russian diplomats at staff ay “kumakatawan sa isang banta sa interes ng bansa” at “agad” silang paaalisin.

Aniya . . . “We are talking about a group of around 25 people, we are completing the list.”

Nagbunga ng pandaigdigang pagkondena sa Russia ang kahindik-hindik na mga larawan ng mga bangkay sa mga lansangan sa bayan ng Bucha, na ang ilan ay nakagapos pa ang mga kamay sa likod, kasunod ng withdrawal ng Russian troops, at ikinukonsidera ng European Union (EU) na magpataw ng dagdag pang mga sanctions.

Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russian troops na nasa likod ng mga pagpatay, subali’t itinanggi ito ng Kremlin sa pagsasabing ang larawan ng mga bangkay ay peke.

Nitong Lunes, pinatalsik ng France ang 35 Russian diplomats, at inanunsiyo din ng Germany na pinatalsik nila ang “significant number” ng Russian envoys.

Inihayag naman ng Denmark nitong Martes, na patatalsikin nila ang 15 Russian “intelligence officers” na nakarehistro bilang diplomats sa kanilang bansa.


Please follow and like us: