Hun Sen, namigay ng Cambodian-made watches sa summit VIPs
Nakatanggap ng Cambodian-made watch ang world leaders na dumadalo sa isang summit sa Phnom Penh mula sa host na si Hun Sen, isang kilalang fan ng luxury timepieces.
Ang regalo sa VIPs sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at East Asian Summit gatherings, ay nagpataas sa kilay ng mga taga Cambodia na wala namang kasaysayan ng paggawa ng relo.
Si US President Joe Biden at Chinese Premier Li Keqiang, ay kabilang sa mga guest para sa tatlong araw na pulong, kung saan pag-uusapan ang krisis sa Myanmar at iba pang regional issues.
Ang 25 tourbillion watches ay iprinisinta sa mga delegado, ayon kay Hun Sen, na planong magsuot ng isa sa buong panahon ng summit at maging sa darating na G20 at APEC meets.
Ayon sa mga larawang makikita sa official Facebook page ni Hun Sen, ang relo ay may matt grey face na may nakasulat na “ASEAN Cambodia 2022” at nasa silver-coloured casing na may naka-inscribe na “Made in Cambodia.”
Sinabi ni Hun Sen, na namuno sa Cambodia ng 37 na taon at pinakamahabang nagsilbing lider sa Asya, na ang mga bagong relo ay “nagpapakita ng progreso sa siyensiya at teknolohiya ng Cambodia.”
Ang strongman ruler ay nakunan ng larawan nitong nakalipas na mga taon, na nakasuot ng mamahaling Swiss watches na nagkakahalaga ng daang libong dolyar.
Itinanggi naman ng Cambodian firm na Prince Horology, na siyang inatasang mag-disenyo at mag-assemble sa mga relo, na ito ay sobrang mahal, sa pagbibigay-diin na ang mukha ng mga relo ay yari sa stainless steel.
Ang tourbillion watches ay tinawag sa ganitong pangalan, dahil sa masalimuot nitong inner mechanism na nakikita mula sa labas, at na-patent mga 200 taon na ang nakalilipas ng isang Swiss-French na gumagawa ng relo.
Sinabi ni Prince Horology spokesperson Gabriel Tan, “They are obviously highly decorated, highly polished. The watches also feature ‘synthetic rubies,’ used to facilitate the watch movement.”
Lahat ng 25 relo ay dinisenyo at binuo sa Cambodia sa nakalipas na 18 buwan, ayon kay Tan ngunit tumanggi ito na magkomento tungkol sa halaga ng mga ito.
Kinuwestiyon naman ng Cambodian rights activist na si Ou Virak, founder at presidente ng pro-democracy Future Forum group ang naturang regalo sa pagsasabing, “We are not Switzerland. It appears desperate, at least from the outside looking in. The gesture was unlikely to be looked on in a “positive” way. You have to really question who is making the watch. I just hope that it is not another Chinese company made with a Cambodian stamp on it.”
Ayon sa Radio Free Asia, ang Prince Horology ay bahagi ng Prince Group of companies at pinamumunuan ni Chen Zhi, isang Chinese citizen na binigyan ng Cambodian nationality noong 2014.
© Agence France-Presse