‘Hunger Games’ nangunguna pa rin sa N.America
Nangunguna pa rin ang “Hunger Games” prequel sa North American box office sa nagdaang mahabang US Thanksgiving weekend, at pinatalsik ang bagong Ridley Scott film na “Napoleon.”
Ang “The Hunger Games: The Ballad of Songbirds & Snakes” ng Lionsgate ay kumita ng tinatayang $42 million mula Miyerkoles hanggang Linggo, at $28.8 million para sa karaniwang Friday-through-Sunday period.
Tampok sa ikalimang “Hunger Games” series sina Tom Blyth, Rachel Zegler at Peter Dinklage sa isang kuwento tungkol sa ika-10 Hunger Games sa dystopian state ng Panem.
Nasa ikalawang puwesto ang “Napoleon” epic, mula sa Sony, na kumita ng $32.5 million para sa five-day weekend at $20.4 million para sa tatlong araw.
Sinabi ng analyst na si David Gross, “This is a good opening for a period epic action adventure for director Ridley Scott and strong leads in Joaquin Phoenix, as the French emperor, and Vanessa Kirby, as Empress Josephine.”
Aniya, “The European setting should help the movie ‘over-perform abroad,’ but the film had an ‘enormous’ production budget of $200 million, and has generated lukewarm reviews, with many French critics panning historical inaccuracies.”
Hindi naman natupad ang wish ng Disney, dahil ang inilabas nilang “Wish” ay kumita lamang ng $31.7 million para sa limang araw at $19.5 para sa tatlo, na ayon kay Gross ay halos kalahati lamang ng kinita ng mga pelikulang kagaya nito sa mga nakalipas.
Ayon sa Exhibitor Relation, “The struggle is real for the $200M animated film, and the Magic Kingdom itself.”
Ang “Wish” ay sumunod sa isa pang nakadidismayang opening para sa Disney. Ang “The Marvels” ang may pinakamababang debut sa lahat ng pelikula sa Marvel Cinematic Universe.
Tampok ang tinig ng Oscar-winner na si Ariana DeBose at Chris Pine, ang “Wish” ay kuwento tungkol kay King Magnifico, na mula sa kaniyang island kingdom ay nagkakaloob ng katuparan sa isang kahilingan kada buwan.
Bumagsak naman ng dalawang puwesto at nasa ika-apat na lamang ngayon, ang animated musical comedy ng Universal na “Trolls Band Together,” na kinatatampukan ng tinig nina Anna Kendrick at Justin Timberlake.
Kumita ito ng $25.3 million para sa limang araw, at $17.6 million para sa tatlong araw.
Panglima ang Sony slasher film na “Thanksgiving,” na kumita ng $11 million para sa limang araw at $7.2 million para sa tatlo.
Bida rito sina Patrick Dempsey at Addison Rae star.
Narito ang bumubuo sa top 10:
“The Marvels” ($9.2 million para sa 5 araw; $6.4 million para sa 3 araw)
“The Holdovers” ($3.8 million; $2.8 million)
“Taylor Swift: The Eras Tour” ($2.3 million – ipinalalabas lamang sa mga sinehan mula Huwebes hanggang Linggo)
“Five Nights at Freddy’s” ($2.4 million; $1.8 million)
“Saltburn” ($2 million; $1.8 million)