Hurricane Julia nanalasa sa Nicaragua
Sinalanta ng Hurricane Julia ang Nicaragua nitong Linggo, kung saan binayo ito ng malakas na hangin at ulan, at nagbunsod din ng mapanganib na flash floods at mudslides sa malaking bahagi ng Central America at southern Mexico.
Taglay ni Julia ang lakas ng hangin na tinatayang nasa 85 miles (140 kilometers) per hour nang mag-landfall malapit sa Laguna de Perlas area nitong Linggo ng umaga, ayon sa weather agency ng Nicaragua.
Pagsapit ng tanghali, ang ikalimang Atlantic hurricane ng season ay humina at naging tropikal na bagyo na may pinakamalakas na hangin na halos 60 milya bawat oras habang ito ay umiikot pakanluran sa Nicaragua, at nagpakawala ng isang mapanganib na storm surge sa baybayin, na sumira sa mga tahanan at naging sanhi upang mawalan ng komunikasyon ang ilang bayan.
Ang bansa ay nasa high alert, at ang civil defense brigades ay tumulong na sa pag-aalis ng mga natumbang puno sa mga kalsada, at sa pagbabantay sa pagbaha sa mga baybaying bayan at landslides sa mga nayon sa bundok. Wala namang naiulat na nasawi.
Ngunit ang US National Hurricane Center (NHC) ay nagbabala na si Julia, na ang sentro ay dumaan sa Central American isthmus sa silangang karagatan ng Pasipiko nitong Linggo ng gabi, ay nag-iipon pa rin ng lakas, hindi lamang para sa Nicaragua kundi para sa mga kalapit na bansa.
Ayon sa NHC, “Heavy rainfall with a risk of life-threatening flash floods and mudslides to continue across Central America and southern Mexico through Tuesday.”
Pinapanatili ang kaniyang lakas, ang tropical storm na si Julia ay inaasahang magbabagsak ng lima hanggang sampung pulgada (12.7-25.4 sentimetro) ng ulan sa Nicaragua at El Salavdor.
Bago dumating sa Nicaragua, si Julia ay dumaan sa tatlong isla sa Colombia ayon sa isang environment ministry official, kung saan nagdulot ito ng mga pag-ulan at pagkidlat sa hilagang bahagi ng bansa.
Si Julia ay isang Category 1 hurricane, sa low side ng five-tier Saffir-Simpson wind scale, nang manalasa ito sa baybayin ng Nicaragua.
Inilikas ng mga awtoridad ang nasa 6,000 katao sa Laguna de Perlas, sa Miskito keys at dose-dosenang temporary shelters naman ang itinayo sa mga paaralan.
Ang pagdating ni Julia sa Central America ay wala pang dalawang linggo makaraang manalasa sa southeastern US state ng Florida ang napakalakas na Hurricane Ian, na isa sa pinakamalakas na hurricanes na naitala.
Pinadapa ng Category 4 storm ang buong southwest coast ng Sunshine State, at higit sa 100 katao ang nasawi ayon sa US media.
Pinatataas ng climate change ang temperatura sa ocean surface layers, kaya nabubuo ang mas malalakas na bagyo sabi ng mga eksperto.
© Agence France-Presse