Hurricane Milton, nagbabanta sa Florida bilang Category 5 storm
Tinutumbok ng Hurricane Milton ang Gulf Coast ng Florida bilang isang napakalaking Category 5 storm, na nagdulot ng massive traffic jams at kakulangan ng fuel, habang inatasan naman ng mga opisyal ang mahigit isang milyong katao na lumikas bago pa humampas ang hurricane sa Tampa Bay area.
Si Milton, na biglang lumakas noong Lunes para maging isa sa pinakamatinding Atlantic hurricanes na naitala, ay tinatayang maglalandfall mamayang gabi o bukas ng umaga, Huwebes, na nagbabanta sa kahabaan ng west coast ng Florida na hindi pa halos nakababangon sa pinsalang iniwan ng Hurricane Helene, wala pang dalawang linggo ang nakalilipas.
Kung direktang tatama sa Tampa Bay, ito ang magiging una mula noong 1921, nang ang malawak na Tampa-St. Petersburg-Clearwater area ay isa pa lamang backwater. Sa ngayon ay tahanan na ito ng mahigit sa tatlong milyong katao.
Binalaan naman ni Tampa Mayor Jane Castor ang publiko na dapat ay naging wake-up call na sa kanila ang dinanas mula sa Hurricane Helene kayat dapat gawin ang lahat ng paghahanda.
Aniya, “If you choose to stay in one of those evacuation areas, you’re going to die.”
Ang Hurricane Milton ay itinaas ng US National Hurricane Center (NHC) pabalik sa Category 5 hurricane nitong Martes, ang pinakamataas na lebel sa five-step Saffir-Simpson scale, na may maximum sustained winds na aabot sa 165 miles per hour o 270 kilometers per hour.
Ang mata ng bagyo ay 480 miles (775 km) timog-kanluran ng Tampa, at kumikilos ng pa-silangan, hilagang-silangan sa bilis na 9 mph (15 kph).
Ayon sa NHC, “Milton’s wind field is expected to expand as it approaches Florida. In fact, the official forecast shows the hurricane and tropical-storm-force winds roughly doubling in size by the time it makes landfall.”
Dahil malaki ang bagyo kaya malaki rin ang panganib ng storm surge sa daan-daang milya o kilometro ng coastline.
Nakikita ng NHC na maaaring magkaroon ng storm surges na 10-15 talampakan o 3.4.5 metro sa hilaga at timog ng Tampa Bay, bukod pa sa nagngangalit na hangin at banta ng inland flash flooding mula sa malakas na pag-ulan.
Ang Tampa Bay area ay naging mas lantad nang tumama ang Hurricane Helene sa barrier islands at beaches ng Gulf Coast noong Sept. 26, at ayon sa isang meteorologist na si Isaac Longley, posibleng palakasin pa nito ang storm surge ni Milton.
Ani Longley, “There’s no gradual slope left to mitigate any of it.”
Sinabi ni Governor Ron DeSantis, “Dump trucks have been working 24 hours a day to remove mounds of debris left by Helene for fear Milton could turn them into dangerous projectiles. Five-thousand National Guard members have been deployed, with another 3,000 on hand for the storm’s aftermath.”
Ayon naman sa White House, ipinagpaliban ni Presidetn Joe Biden ang kaniyang biyahe sa Germany at Angola mula Oct. 10-15, upang subaybayan ang mga paghahanda at pagtugon sa kalamidad at hinimok yaong mga nasa ilalim ng evacuation orders na agad lumikas.
Sinabi ng pangulo, “it’s a matter of life and death.”
Samantala, mahigit sa 12 coastal counties ang nagpalabas ng mandatory evacuation orders, kabilang na ang Hillsborough County sa Tampa.
Ang Pinellas County, na kinabibilangan ng St. Petersburg, ay nag-utos ng paglikas ng mahigit sa 500,000 katao, habang sinabi naman ng Lee County na 416,000 katao ang nagkakanlong sa kanilang mandatory evacuation zones.
Ayon pa kay DeSantis, “Motorists waited to fill their tanks in lines snaking around gas stations, only to find that some were out of fuel. State police provided escorts to fuel trucks replenishing gas stations.”
Martes pa lamang ng umaga ay bumper-to-bumper na ang traffic sa mga kalsadang palabas ng Tampa.
Kuwento ng musician na si Mark Feinman, ”It took me 13 hours to drive my family 500 miles (805 km) from St. Petersburg to Pensacola. Some drivers sped through breakdown lanes and across grass medians to cut ahead, causing accidents. Gas stations along Interstate 10 seemed to be out of fuel.”
Ayon sa markets tracker na GasBuddy, nasa 17% ng halos 8,000 gas stations sa Florida ang naubusan ng fuel supply hanggang Martes ng gabi.
Dahil sa mainit na tubig sa Gulf of Mexico, si Milton ang naging pangatlo sa pinakamabilis lumakas na bagyo na naitala sa Atlantic, dahil ito ay lumakas mula sa isang tropical storm patungo sa isang Category 5 hurricane, ang pinakamalakas, sa loob ng walang pang 24-oras.
Humina ito sa Category 4 hurricane kahapon, Martes, ngunit muling lumakas. Si Milton ay inaasahang mananatiling isang lubhang mapanganib na hurricane pagkatapos maglandfall sa Florida, na magdudulot ng malaking pinsala at pagkaputol sa suplay ng kuryente na tatagal ng ilang araw.
Ang bagyo ay puminsala na rin sa Mexico, ngunit sinabi ni Governor Joaquin Diaz Mena ng Yucatan state na marami sa pinsalang tinamo ay minor lamang. Libu-libo naman ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Patuloy pa rin ang relief efforts sa malaking bahagi ng US Southeast matapos ang pagtama ng Hurricane Helene, na ikinamatay ng mahigit sa 200 katao sa magkabilang panig ng anim na mga estado at nagdulot bilyong dolyar na halaga ng pinsala.