I-veto ang panukalang Vape bill – Pia Cayetano
Umapila si Senador Pia Cayetano at ang grupo ng mga doktor kay Pangulong Duterte na i veto ang panukalang Vaporized Nicotine Products Regulation Act o Vape Bill.
Isa si Cayetano sa mga bumoto sa Senado para maibasura ang panukala dahil sa panganib nito sa kalusugan ng mga kabataan at ng lahat ng mga Filipino.
Ayon sa Senador, nagdesisyon na ang Korte Suprema kung saan ibinibigay sa Food and Drug Administration ang kontrol at superbisyon sa Vape at iba pang Tobacco products taliwas sa naunang inaprubahan ng Kongreso sa DTI.
Iginiit naman ng grupo ng mga medical expert na dapat tuparin ng Pangulo ang kaniyang campaign promise na lalabanan ang anumang pag-abuso at addiction.
Ayon sa mga eksperto, kahit limitahan ang paggamit ng sigarilyo at payagan na ipagbili sa merkado ang Vape products, pareho lang ang panganib ‘at addictive substance na ginagamit sa mga electronic cigarettes.
Kinuwestyon naman ni Cayetano bakit nakapending ang panukala sa Kamara,gayong Enero pa ito pinagtibay ng Bicameral Conference Committee.
Dapat ipadala na aniya ito sa tanggapan ng Pangulo para ito na ang magdesisyon kung aaprubahan o ibi- veto ang panukala.
Meanne Corvera