IATF aapela kay Pangulong Duterte sa desisyong hindi na magsusuot ng faceshield sa mga pampublikong lugar
Iaapela ng Inter Agency Task Force o IATF sa pangunguna ng Department of Health o DOH ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang pagsusuot ng faceshield sa mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na itinuturing na bagong policy ang desisyon ng Pangulo na huwag ng gumamit ng faceshield sa pampublikong lugar dahil hindi ito nirekomenda ng IATF.
Ayon kay Roque hihilingin ng IATF sa Pangulo na magkaroon ng reconsideration sa desisyong huwag ng magsuot ng faceshield ang mamamayan.
Inihayag ni Roque na batay sa posisyon ng DOH ang faceshield ay dagdag na protection ng bawat indibidwal laban sa COVID 19 sa mga inclosed places tulad ng malls, palengke, groceries at religious services habang isinasagawa ang mass vaccination ng pamahalaan.
Batay sa desisyon ng Pangulo gagamitin na lamang ang faceshield sa mga hospital para sa mga medical frontliners.
Vic Somintac