IATF ginawa nang APOR ang mga Comelec official at personnel at mga kakandidato sa 2022 elections
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang resolusyon na nagpapahintulot sa mga opisyal at kawani ng Commission on Elections kasama ang mga kakandidato sa 2022 elections na maging Authorized Persons Outside Residence (APOR) habang may Pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay para sa filing ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance and Nomination para sa Partylist groups at para sa Certificate of Candidacy ng mga kakandidato sa National positions sa 2022 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kabilang din sa mga ituturing na APOR ang mga chairperson o president kung absent ang secretary general o authorized representative ng political party, sectoral party organization sa ilalim ng partylist system.
Inihayag ni Roque lahat ng APOR sa electoral process ay kinakailangan na mahigpit na sumunod sa ipinatutupad na minimum health standard protocol.
Vic Somintac