IATF nakatutok sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Northern luzon, Visayas at Mindanao – Malakanyang
Mahigpit na minomonitor ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Northern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque hindi dapat na magpabaya ang mga local government units o LGU’S sa mga lugar na kinakakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Roque, malinaw ang guidelines na inilabas ng IATF na may kapangyarihan ang mga LGU’S na magpatupad ng granular lock down o isailalim sa mas mahigpit na community quarantine ang kanilang nasasakupan sa sandaling tumaas ang kaso ng COVID-19.
Inihayag ni Roque ,may mga aktibidad sa ibat-ibang lugar sa bansa na nagiging super spreader ng COVID-19 kung hindi maobserbahan ng tama ang ipinatutupad na standard health protocols.
Vic Somintac